PANIBAGONG SIMULA
Ngayong Buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ang tema ay WIKANG KATUTUBO: Tungo Sa Isang Bansang Filipbino at pakikiisa ito ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF sa proklamasyon ng United Nations Educational, Scientific And Cultural Organization o UNESCO ng 2019 International Year of Indigenous Languages o IYIL. Ang pagdariwang ay isang mahalagang suhay sa pamamagitan ng mabisang pagpapaunlad ng mga pambansang programa para sa patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, at pagpapalaganap ng mga katutubong wika na makapag-aambag sa higit na kagalingan at kalinangang pambansa ng mga Filipino.
Sadriwain natin ang mga katutubong wika natin upang ito ay hindi natin mapag-iiwanan. Maraming mga kabataan na nagsasalita gamit ang mga dayuhang wika at hindi lamang mga kabataab kundi mapabata at mapatanda, sa kadalihanan nas sila ay nakatira na sa ibang bansa at nasanay na sila sa mga wika ng banyaga. At ang iba naman ay talagang ginagamit nila ang banyagang salita para sa pag-aaral nila o 'di kaya ay nasanay na talaga sila sa ibang lengguwahe na malayo sa ginagamit sa kanilang kinalakihan na lugar.
Sama-sama tayo nating pagyamanin ang wikang katutubo upang hidi ito'y mapag-iwanan ng panahon. At ito ay maiingatan. Pasalamatan natin ang mga ninuno natin para sa kanilang inambag.
Source: https://pin.it/jyxtdfrl6wveo3 |
Comments
Post a Comment